60-anyos pataas, may P6K sa 2016
Dadagdagan pa ang bilang ng senior citizens na makikinabang sa mga pensiyon na ipinagkakaloob ng pamahalaan bunga na rin ng pinataas pang alokasyon ng pondo nito sa papasok na taon.
Sa pagsisiwalat ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, madadagdagan ang pondo para sa senior citizens sa susunod na taon kaya mas marami rin ang makikinabang sa programang ito.
“Funding for the DSWD-run Social Pension for Indigent Senior Citizens Program will increase from the current P5.96 billion to P7.51 billion next year,” pagbubunyag ni Recto. "The proposal that we received is that all indigent seniors 60 years old and above will be covered by the proposed allocation.”
Sa bilang ng mambabatas, nasa 250 libong lolo at lola ang mabibiyayaan ng benepisyong niluluto nila
Sa ilalim ng umiiral na sistema, ang bawat isang deklaradong senior citizen na nakapagproseso ng mga sistemang dapat na pagdaanan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay makakatanggap ng P6 libong pension kada taon.
“The proposal that we received is that all indigent seniors, 60 years old and above, will be covered by the proposed allocation,” dagdag pa ng mambabatas. "Ito 'yung hindi lang may edad na, may sakit pa o kapansanan, walang trabaho, walang maykayang kamag-anak na kumukupkop at walang ibang pensyong natatanggap. These are people in extremely difficult circumstances.”
Source: old.abante.com.ph
Share this story!
Visit and follow our website: Trending News Global
© Trending News Global
60-anyos pataas, may P6K sa 2016
Reviewed by Breaking News
on
2:26:00 PM
Rating:
500 a month? Ano ang mabibili nun?
ReplyDeletetatay ko na 74 years old na hindi pa rin nakatikim ng ganyang programa sa DSWD. Yong iba na nakakaangat sa buhay nakatanggap na...mahirap pag wala kang connection sa gobyerno hindi man lang nabigyan ng pansin...
ReplyDeletedapat ipa-register mo ang tatay mo sa DSWD or whichever govt. in charge of this. kasi, marami ang fi-fill-up an na papers for them to be sure that your father is really indigent and entitled to the program. hindi naman lahat ng 60 yrs. old qualified, otherwise, kahit kaninong gobyerno, mamumulubi. halimbawa, iyong mga matatandang pensyonado na, meron pang niyugan, palayan at me paupahan pa, hindi naman sigurado silang matatawag na indigent. halimbawa ang mga pensiyonado na galing sa amerika at umuwi na for good, tatanggap pa ba sila? Unfair naman siguro iyon. E, over 60 na ako, hindi pa nga lang pensiyonada, pag umuwi ako for good entitled ba ako?
Deletepaano po ma claim ng mga lola't lolo ang mga binipisyo nla?
Delete6,000 pesos, hindi 500.00 pesos a month. malaki iyon. pero, iyon ay para sa indigent lang, meaning, walang pinagkakakitaan, walang pensyon, at walang may kayang kamag-anak na kumukupkop (meaning, kung meron siyang anak na OFW na malaki ang kita, malamang hindi qualified). Dapat, merong mag-ko-control din sa mga beneficiaries. gano'n din iyon sa mga developed countries, ganito iyon: (ex. germany) pag ang pension ay maliit lang, (dahil hindi enough ang contribution niya sa pension fund noong nagtra-trabaho pa siya, ex. hindi siya full-time na nagtrabaho, or putol-putol ang serbisyo niya, minsan may trabaho, may panahon namang matagal na wala, kaya ang contribution niya sa pension fund, hindi buo, so, babawasan din ang magiging future pension niya. so, upon reaching 65 yrs. old, he will become a pensioner but his pension may not be enough to support himself to live on his own, so the govt. will come in and support him a little just to get on his own feet (cheaper house rental, electricity bill etc.) which may just be enough to give a roof to one's head, entitled to buy in a food outlet which sells very cheap groceries, discounted bus tickets etc.
ReplyDeleteintindihin mo pelang ang nakasulat.. "P6 libong peso kada taon"
Deleteibig sabihin ay, P6,000/year kung e convert to 12 months ay magiging P500/buwan
bakit po ung tatay ko member pa sya ng senior citizen.bakit po di sya nkakakuha kahit ung 500 man lang.. sabagay palakasan po kc dito sa amin pag di mo binoboto ung gustong pulitiko ng leader niyo kahit ang order ng dswd eh lahat ng qualified lalampasan ka ng biyaya mula sa gobyerno ung tatay ko po 62 years old n di n kyang maghanapbuhay di nmn nkakaangat s buhay pero nilalampasan ng mga timawang leader dito sa amin porke di nila kaututang dila ung tatay ko
ReplyDeleteSorry po ha pero hindi pa nkatanggap ina ko ng 6k ngayong taon na to.kailan ba talaga ito ipapatupad?
ReplyDeleteMama kp hanggang ngayon d pa rin nakakatanggap ng pensin. Sabi ng CSWD at kulang wala pa daw pondo at marami pa daw nakapila thinking that she is already 79 years old. Nag apply sya last november 2015.
ReplyDeleteSana po makatanggap din yung mga sss pensioner na mababa ang pension kada buwan....yung pension nla sa sss ay pinaghirapan po nla yon, yung support for senior citizen ay benepisyu from the government....sana po e patas nalang na makakatangap dn ung sss pensioner...marami sa bayan namin ang my sss pension na 2k pkataas,,,ung dagdag na 6k/year from dswd ay malaking tulong na din....senior citizen sa bayan nang santander,cebu.....
ReplyDeleteUng lola ko po ba e qualified kc po wala syang pension kasama nya lng po sa bahay e ung uncle qng may kapansana at pinsan kong 15yrs old ang sumosoporta lng sa kanina e ung tita qng nsa bahrain n ngtitinda lng ng damit pano ko po matutulungan ang lola ko para makakuha sya ng 6000 pantulong sa gamot nya kc ngmaintenance n dn sya at ung uncle ko n may kapansanan gusto ko po sila tulungan kaso mahirap lng dn po aq...
ReplyDeleteTanong lang po: paano kung ang isang señor citizen is walang pension sa kahit anong ahensya,ngayon maysakit na at nag da-dialysis once a week na mahigit kumulang 15k-20k gastos every week,may anak nga na abroad pero kunti lang naman ang kita---hindi pa din po ba yon qualified na makatanggap ng pension na yan pandagdag man lang panggastos kahit papano?
ReplyDelete... Thanks in advance sa mga sagot.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteSana po imbestigahan naman ng gobyerno ang mga chinese na nagbabayad para magkaroon ng philippine senior citezenship para mka avail ng discount sa mga establishment lalo na yung mga chinese na wala pang 60. Unfair ito sa mga lehitimong senior citezen ng pilipinas at mga middle class na nagbabayad ng tax sa gobyerno.
ReplyDeletePaano po yung me mga anak ngang nagtratrabaho na namang naibibigay na panggastos maliban sa kakainin ng mga magulang...pwede po bang makatanggap...me mga pamilya na kasi po sila...
ReplyDeleteMahirap pong umasa sa mga anak na walang kusang pagbibigay....hindi naman ksi sila dapat obligahing mag abot...pero nangangailangan din po naman kming mga senior ng kaunting pang gastos...sa kaso pong ganito makakatanggap pa din po ba ng benefits sa gobyerno?
ReplyDeletehttp://cfcinfanta.blogspot.com/2016/07/panalangin.html
ReplyDeletePANALANGIN
Maraming salamat sa kaloob mong trabaho
ngayong araw na ito.
Nagdudulot po ito sa akin
Ng laksang biyaya
Upang maalala ko na Ikaw
Ang sadyang lumilikha ng lahat ng bagay.
At upang makita ko
Ang walang hanggan mong KAPANGYARIHAN.
PATNUBAYAN MO PO ANG AMING PANGULO NG BANSA,
GAWIN MO PO SIYANG MALUSOG AT MALAKAS ANG PANGA-NGATAWAN
AT ADDITIONAL TALINO SA KANYANG MGA DESISYON. ILIGTAS MO PO
SYA sa ANOMANG KARAMDAMAN AT KAPAHAMAKAN.
DALANGING PO NAMIN NA MAGTAGUMPAY SYA SA KANYANG
MAGANDANG LAYUNIN SA BANSANG PILIPINAS.
HINIHILING NAMIN ITO SA PAMAMAGITAN NG IYONG ANAK NA SI HESUKRISTO,
NA AMING PANGINOON, AMEN
AMA NAMING DIYOS, DALANGIN PO NAMIN MAGING MALUSONG PARIN ANG MGA SENIOR CITIZEN, KASAMA PO ANG NANAY KO AT ANG IBA PANG KAPAMILYA ILIGTAS MO SILA SA ANOMANG KARAMDAMAN AT KAPAHAMAKAN. HINIHILING NAMIN ITO SA PAMAMAGITAN MO AT NG IYONG ANAK NA SI HESUKRISTO NA AMING PANGINOON. AMEN.
ReplyDeletesana lang po wala naman pili na din...like my mom 69 na sya...kahit me inuuwian sya na bahay na sarili wala na naman sya sariling kabuhayan,inaasahan lang nya ang nakukuha nyang pension sa SSS...at konting naitutulong ng mga anak...kasi para naman sa kanila yon...bakit kailangan salain...pantay pantay lang sana ang mga senior na mai enjoy nila ang para sa kanila
ReplyDelete