Presidente Duterte, muling umapela sa Kongreso na ipasa ang panukalang buhayin ang death penalty

Muling umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na ipasa ang isinusulong nitong panukala para buhayin ang parusang kamatayan o death penalty sa bansa. Ang apela ay ginawa ng Presidente sa isang casual meeting kasama ang ilang mga Senador, Kongresista, at opisyal ng gobyerno sa isang bar sa Davao City kagabi.

ADVERTISEMENT





Ayon kay Senator Sonny Angara, natalakay sa naturang casual gathering ang maraming bagay, kabilang ang usapin sa death penalty. Sinabi ni Angara na nabanggit ni Pangulong Duterte na dapat umanong ibalik ang parusang kamatayan lalo na sa mga drug trafficker.
Noon pa man, hayagang ikinakampanya ni Presidente Duterte ang death penalty sa pamamagitan ng pagbigti sa convicted criminals, sa halip na patayin via lethal injection.Bukod kay Angara, ang iba pang nasa pulong ay sina Senator Alan Peter Cayetano, CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna, Palawan Rep. Franz Josef Alvarez, Masbate Rep. Scott Davies Lanete, at Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco.
Ipinasyal pa ni Pangulong Duterte ang mga nabanggot sa emergency center at crime and traffic management system ng Davao.

SPONSOR





Source: newsportal-ph.blogspot.com


Share this story!

Visit and follow our website: Trending News Global

© Trending News Global

Presidente Duterte, muling umapela sa Kongreso na ipasa ang panukalang buhayin ang death penalty Presidente Duterte, muling umapela sa Kongreso na ipasa ang panukalang buhayin ang death penalty Reviewed by Breaking News on 10:08:00 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.