Quezon City Mayor Herbert "Bistek" Bautista Pumalag

Pumalag at sinagot ngayon ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang mga alegasyon sa kanya sa kasong isinampa ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

ADVERTISEMENT





Sa kanyang pahayag mula sa Oslo, Norway ay sinabi ni Bautista na isang malaking kalokohan ang iugnay siya sa illegal drug trade.

Posible umanong iniugnay siya sa droga dahil dalawa sa mga naginmg district director ng Quezon City Police District (QCPD) ang nasangkot sa illegal drugs sa katauhan nina Dir. Joel Pagdilao at CSupt. Edgardo Tinio.

Nilinaw din ng opisyal na wala siyang kapangyarihan sa pagpili ng mga pinuno ng QCPD dahil nagmumula ang appointment ng mga ito sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP).

Ipinagmalaki rin ni Bautita na kilala siya bilang taga-sulong ng laban kontra sa iligal droga at itoay kanyang pinasimulan noong siya’y labing-pitong taong pa lamang bilang opisyal ng Kabataang Baranggay na ngayon ay kilala sa tawag na Sangguniang Kabataan.

Aminado naman ang alkalde na nasaktan siya nang masangkot sa droga ang kanyang kapatid na si Quezon City Councilor Hero Bautista.


SPONSOR





Sa mga bumabatikos kung bakit hindi niya kinastigo sa harap ng publiko ang kanyang kapatid, ipinaliwanag ni Bautista na may sarili namang pag-iisip na ang 48-anyos na konsehal.

Idinagdag pa ni Bautista na nakahanda siyang sumailalim sa imbestigasyon para lamang patotohanan na wala siyang kaugnayan sa kahit anumang sindikato ng droga sa bansa.

Source: kapinoy

Share this story!

Visit and follow our website: Duterte News Global

© Duterte News Global

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...
Quezon City Mayor Herbert "Bistek" Bautista Pumalag Quezon City Mayor Herbert "Bistek" Bautista Pumalag Reviewed by Breaking News on 12:47:00 PM Rating: 5

2 comments:

  1. Kung hindi pa naihalal si Pres.DU30, hindi pa lalabas ang baho ninyo. Mayor Herbert Bautista isa kang protektor ng drug addict at mga drug lord. Aminin muna!

    ReplyDelete
  2. Mayor Bistek Bautista, papaano no mo masusugpo ang mga drug addict eh sarili mong kapatid di mo kayang pahintuin sa illegal na drugs business edi lalo na di mo kayang pangalagahan ang mga taong sinasakupan mo? Ibig mong sabhin ang taong involved sa masamang bisyo ay nasa tamang eda at pagiisip ay pababayaan mo na lamang. Eh bakit ka pa naging mayor kung di mo kayang linisin ang bakuran mo. Kaya hindi nakikinig sa inyo ang mga nasasakupan ninyo dahil kayo mismo ay mga drug protectors at involvwd sa drug business. Ang tagal na panahon na inayaan ninyong lumaganap ang illegal na drug sa bansa dahil sa pera.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.