SAN LUIS: IDINEKLARA NG PDEA NA KAUNA-UNAHANG DRUG-FREE NA BAYAN SA BUONG BANSA!
Sa isang maiksing talumpati ni PNP PRO4A Regional Director Valfrie Tabian, ipinahayag niya ang labis na kasiyahan para sa bayan ng San Luis sa pagiging kauna-unahang bayang idineklarang malaya na sa ipinagbabawal na gamot.
“Base sa datos ng PNP bumaba ng 40 porsyento ang crime against property buhat ng simulan ang kampanya kontra droga na makikita ang malinaw kaugnayan nito sa mga nakawan at holdapang nagaganap sa bansa. Hindi pa tapos ang adhikain ng PNP at hindi puwedeng ibaba ang lebel ng pagbabantay kung kaya’t patuloy ang operasyon sa kampaya kontra ilegal na droga. Kailangan din ang patuloy na pakikipagtulungan ng pamayanan upang magtagumpay tayo” — PNP PRO4A Regional Director Valfrie Tabian
Dahil sa malaking tagumpay na areh ng PNP San Luis, ay pinagkalooban ang mga kapulisan natin dini ng halagang P100k bilang insentibo sa kanilang accomplishment. Binigyan din ng pagkilala ang 26 na barangay na katuwang ng kapulisan sa masigasig na kampanya kontra illegal na droga.
Dahil sa malaking tagumpay na areh ng PNP San Luis, ay pinagkalooban ang mga kapulisan natin dini ng halagang P100k bilang insentibo sa kanilang accomplishment. Binigyan din ng pagkilala ang 26 na barangay na katuwang ng kapulisan sa masigasig na kampanya kontra illegal na droga.
Para sa mga nagdududa, ipinaalam ng PDEA-4A Information Office (via Officer Mary Ann Lorenzo) na may matibay na batayan ang kanilang tanggapan upang maideklarang drug-cleared ang isang bayan. Kabilang dine ang non-availability of drug supply, walang drug transit o trans-shipment; walang drug pusher na naipakulong o sumailalim sa rehabilitasyon; walang protektor o financier ng drugs; may aktibong pakikiisa ang barangay at kabataan sa kampanya; pagsasagawa ng drug preventive education, paglalagay ng voluntary and compulsory drug treatment and rehabilitation desk, walang clandestine drug lab o warehouse at walang marijuana cultivation site.
Ayon kay Mayor Samuel De Ocampo (San Luis), bago pa man umupo si PDigong sa pwesto ay aktibo na sila sa pagsugpo sa droga sa kanilang bayan. Lalo pa diumano areng umigting nang ipatupad na ang Oplan Tokhang ng PNP. Nakapagpasurrender ang bayan ng San Luis ng kabuuang 251 drugs personality, ayon kay PSI Radam Ramos, hepe ng San Luis. (Sources: PIA Batangas via KaBatang Jun Salazar)
Source: dutertedynamic
Share this story!
Visit and follow our website: Duterte News Global
© Duterte News Global
Loading...
SAN LUIS: IDINEKLARA NG PDEA NA KAUNA-UNAHANG DRUG-FREE NA BAYAN SA BUONG BANSA!
Reviewed by Breaking News
on
10:24:00 PM
Rating:
No comments: