MILF at MNLF Tutulong sa Pag-ubos sa Abu Sayyaf

Hinimok ng isang mambabatas ang Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na tulungan ang gobyerno sa kampanya nito laban sa bandidong Abu Sayyaf group.

ADVERTISEMENT





Ito ang iminungkahi ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat, sa halip na kunin pa ang serbisyo ng mga mercenaries para pulbusin ang Abu Sayyaf kasunod ng mga terorismong ginagawa nito sa bansa.

Ayon kay Baguilat, higit sa pagresponde ng mga militar, kailangan ng pamahalaan ng mabilis at maaasahang intelligence, na maaring maibigay ng MNLF at MILF.

Sa ngayon, mahigit 9,000 na sundalo na ng Armed Forces of the Philippines ang ipinadala sa Sulu para supilin ang Abu Sayyaf.


SPONSOR





Matatandaang noong Linggo ay sinabi ni Agriculture Sec. Emmanuel Piñol na handa si Pangulong Duterte magbayad sa mga hatchet man para lang ubusin na ang bandidong grupo.

Source: kapinoy

Share this story!

Visit and follow our website: Duterte News Global

© Duterte News Global

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...
MILF at MNLF Tutulong sa Pag-ubos sa Abu Sayyaf MILF at MNLF Tutulong sa Pag-ubos sa Abu Sayyaf Reviewed by Breaking News on 3:45:00 PM Rating: 5

1 comment:

  1. Ayusin nyo yang title ng article nyo, napaka-misleading ng sinasabi nyo sa title. "Tutulong" ibig sabihin nakapagdesisyon at pumayag na ang MILF at MNLF na tumulong sa AFP, yun pala, imumungkahi pa lang. Di ko alam kung sinasadya nyo yan para puntahan ang site nyo o talagang napaka-iresponsable nyo lang talaga sa pagbabalita.

    Babala para sa mga nagbabasa ng articles sa site na ito: huwag kayong maniwala agad sa binabalita ng site na ito.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.