Leila de Lima tinuturong nag utos umano sa pananaksak sa New Bilibid Prison

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Sec. Vitalianoa Aguirre II, batay sa ipinaabot sa kaniyang impormasyon, naganap ang riot alas 7:40 ng umaga sa Building 14 kung saan naroroon ang mga higi-profile inmates kabilang na ang tinaguriang “Bilibid 19”.

ADVERTISEMENT





Nauwi umano sa saksakan ang kaguluhan na ikinasawi ni Tony Co. Habang ang isang pang convicted drug lord na si Peter Co ay 50-50 ang kondisyon sa ospital.

Ani Aguirre, nasa pagamutan sa Muntinlupa City sina Jaybee Sebastian at Vicente Sy na kapwa sugatan din.

Sa inisiyal na impormasyon na ipinarating kay Aguirre, nagpo-pot session umano sina Tony Co, Peter Co, at Vicente Sy nang sila ay sitahin ng isa pang inmate na si dating Police Major Dungael.
Sumama umano ang loob ng tatlong sinita at nagsumbong kay Sebastian na nagresulta na sa riot.

“Nagshashabu daw si Peter Co, Tony Co at Vicente Sy, sinaway ni Maj. Dungael at sinabing wag nyo gawin yan lahat tayo mapapasama, minasama yun ni Tony Co, nagsumbong siguro kay Jaybee Sebastian, sinugod nila si Maj. Dungael (isa ring inmate na dating police major). Doon na nagkaroon ng riot, 50-50 si Peter Co, sugatan si Jaybee Sebastian at Vicente Sy. Sugatan din si Maj. Dungael,” ayon kay Aguirre.

SPONSOR





Ayon kay Aguirre, kahit gaano kahigpit ang ipinatutupad na seguridad ng Special Action Force (SAF) nagagawa pa rin talaga ng mga preso na makapagpasok ng cellphone at shabu.

Tinuturo umano si Leila de Lima ang dahilan ng riot sa New Bilibid Prison, ito ay para hindi umano makasipot ang mga high profile inmates sa House of Congress na gaganapin sa Oct 5.

Source: newsportal

Share this story!

Visit and follow our website: Duterte News Global

© Duterte News Global

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...
Leila de Lima tinuturong nag utos umano sa pananaksak sa New Bilibid Prison Leila de Lima tinuturong nag utos umano sa pananaksak sa New Bilibid Prison Reviewed by Breaking News on 10:50:00 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.