MAYOR ERAP NANAWAGAN SA PUBLIKO NA MAGKAISA AT SUPORTAHAN SI DUTERTE
Nanawagan si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa publiko na magkaisa na lang sa pagsuporta kay Pangulong Duterte sa kanyang hangaring tapusin ang terrorismo at kriminalidad.
“Magkaisa na lang tayo at suportahan ang ating Pangulo sa paglaban niya sa terorismo at panatilihin ang kapayapaan ng bansa,” ani Estrada sa isang panayam.
“Ang masasabi ko Go Mr. President, do not waver. Do not get distracted by what is happening in Davao City kasi tinatakot na siya ng mga ‘yan,” dagdag pa ni Estrada; tinutukoy niya dito ang Abu Sayyaf Group (ASG) na umaming sila ang nambomba sa isang public market sa Davao City nitong Biyernes.

“Buong suporta ako sa ‘all-out’campaign ni Pangulong Duterte laban sa terorismo, kriminalidad, at droga. Sinusuportahan ko siya bilang isang Filipino,” ayon pa kay Estrada.
Habang patuloy si Duterte sa pagdurog sa ASG at mga kriminal, hiniling ni Estrada sa Pangulo na ituloy nito ang operasyon laban sa droga.
Habang patuloy si Duterte sa pagdurog sa ASG at mga kriminal, hiniling ni Estrada sa Pangulo na ituloy nito ang operasyon laban sa droga.
Kamakailan lang ay nagpahayag ng suporta si Estrada sa pag-utos ni Duterte sa militar na habulin at durugin na ang ASG, ang teroristang grupong naghahasik ng lagim sa bansa mula pa noong 1991.
Source: globalford
Share this story!
Visit and follow our website: Duterte News Global
© Duterte News Global
Loading...
MAYOR ERAP NANAWAGAN SA PUBLIKO NA MAGKAISA AT SUPORTAHAN SI DUTERTE
Reviewed by Breaking News
on
6:39:00 PM
Rating:
No comments: