Mga Artistang Nasa ‘Narco List’ Ni Duterte Kakatukin Na Ng PNP!

Nagbabala si PNP Chief Director General Ronald dela Rosa na sisimulan na nila ang Oplan Tokhang laban sa mga artista.

Ito’y kasunod ng nabunyag na hawak na umano ng Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan na naglalaman ng pangalan ng mga celebrity na sangkot sa illegal drugs.

Paliwanag naman ni Dela Rosa, kailangan niya munang makuha ang naturang listahan kay Pangulong Duterte na sinasabing ibinigay ni Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA Head Martin Diño.

Ito-tokhang umano sa kanilang mga bahay ang mga artista at maging sa mga TV stations kung saan sila nagtatrabaho.

ADVERTISEMENT





50 ‘narco celebrities’ on Digong’s list

Papalo sa 50 pangalan ng mga celebrities ang nakatala sa panibagong drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang ibinunyag ng bagong talagang chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA na si Martin Diño.

Bagama’t tumanggi si Diño na pangalanan ang mga naturang celebrities, ilan aniya sa mga ito ay sumailalim na sa drug test.

Magugunitang kinumpirma ng National Capital Region Police Office o NCRPO na may hawak na silang listahan ng mga celebrity na sangkot sa operasyon ng iligal na droga.

Gayunman, wala pa ring pahayag ang Malacañang upang kumpirmahin o itanggi ang ginawang pagbubunyag ni Diño.
Sabrina M.

Samantala, inaalam na ng QCPD kung gaano kalaki ang operasyon ng iligal na droga na kinasasangkutan ni Sabrina M., ang dating bold star na naaresto sa drug bust operation sa Quezon City.

Ayon kay QCPD Director Senior Supt. Guillermo Eleazar, iniimbestigahan na nila kung nagsu-supply din si Sabrina M. ng illegal drugs sa mga kasamahan nito sa showbiz.

Ipinasilip ng QCPD ang surveillance video ni Sabrina M. ilang minuto bago ito maaresto kung saan nakitang humihithit ito ng droga.

Si Sabrina M. o Karen Palasigue sa tunay na buhay ay naaresto sa drug bust operations ng QCPD sa bahay niya mismo sa Number 9. Polangui St., Pasong Tamo, Quezon City kung saan naaresto rin ang mga kasamahan nitong sina Erwin San Martin at Edwin Coloma.

Narekober sa kanila ang limang plastic sachet ng shabu, iba pang drug paraphernalia cash at P1,000 marked money na ginamit sa buy bust.

SPONSOR





Source: dyaryo

Share this story!

Visit and follow our website: Duterte News Global

© Duterte News Global

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...
Mga Artistang Nasa ‘Narco List’ Ni Duterte Kakatukin Na Ng PNP! Mga Artistang Nasa ‘Narco List’ Ni Duterte Kakatukin Na Ng PNP! Reviewed by Breaking News on 8:44:00 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.