Presidente Duterte, muling umapela sa Kongreso na ipasa ang panukalang buhayin ang death penalty
Muling umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na ipasa ang isinusulong nitong panukala para buhayin ang parusang kamatayan o death penalty sa bansa. Ang apela ay ginawa ng Presidente sa isang casual meeting kasama ang ilang mga Senador, Kongresista, at opisyal ng gobyerno sa isang bar sa Davao City kagabi.
ADVERTISEMENT
Ipinasyal pa ni Pangulong Duterte ang mga nabanggot sa emergency center at crime and traffic management system ng Davao.
SPONSOR
Ayon kay Senator Sonny Angara, natalakay sa naturang casual gathering ang maraming bagay, kabilang ang usapin sa death penalty. Sinabi ni Angara na nabanggit ni Pangulong Duterte na dapat umanong ibalik ang parusang kamatayan lalo na sa mga drug trafficker.
Noon pa man, hayagang ikinakampanya ni Presidente Duterte ang death penalty sa pamamagitan ng pagbigti sa convicted criminals, sa halip na patayin via lethal injection.Bukod kay Angara, ang iba pang nasa pulong ay sina Senator Alan Peter Cayetano, CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna, Palawan Rep. Franz Josef Alvarez, Masbate Rep. Scott Davies Lanete, at Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco.
Source: newsportal-ph.blogspot.com
Share this story!
Visit and follow our website: Duterte News Global
© Duterte News Global
Loading...
Presidente Duterte, muling umapela sa Kongreso na ipasa ang panukalang buhayin ang death penalty
Reviewed by Breaking News
on
9:21:00 AM
Rating:
Agreed!! dapat lng! ibang bansa mahulihan ng DROGA PAKTAY NA!! HANG OR TAGPASIN ANG ULO! Middle East sa Saudi Arabia ganyan napatunayan na GUILTY TAGPAS ULO..
ReplyDeletePILIPINAS Pianakakain pa ng Government mga SALOT NG LIPUNANAN!
MGA PROTECTOR at DRUG LORD NG DROGA dapat dyn BITAYIN! kulang pa nga un bitay
sa kanila sa daming sinirang buhay ng tao sinira nila,, mga DEVIL!!