Babaeng Venezuelan Arestado Sa NAIA Dahil Sa Dalang Cocaine

Isang 22-taong gulang na Venezuelan ang inaresto ng airport authorities ngayong Lunes dahil sa tangkang pagpapasok sa bansa ng 4.3 kilograms ng Cocaine.

Ang Venezuelan na si Genesis Lorena Pineda Salazar ay dumating sa bansa sakay ng Emirates Airlines flight galing Dubai.

ADVERTISEMENT





Ang mga kilos ni Salazar ay minanmanan ng mga Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group matapos makatanggap ng tip mula sa US Drug Enforcement Agency na nagsabing ang babae ay may nakatagong Cocaine sa kanyang luggage.

Nitong nakaraang Sabado, nahuli naman ng mga otoridad ang isang Brazilian model na nagtangka ring magpuslit ng 6.2 kilograms na Cocaine dito sa bansa.
Ayon sa General Manager ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na si Ed Monreal, ang airport authorities ay nakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency at National Bureau of Investigation upang matukoy ang sindikatong nasa likod ng mga tangkang pagpuslit ng iligal na droga sa bansa.

Umapela rin si Monreal sa mga pasahero na huwag magpa-uto sa mga alok na libreng byahe na kapalit naman ay pagdadala ng iligal na droga.

SPONSOR





Source: dyaryo

Share this story!

Visit and follow our website: Duterte News Global

© Duterte News Global

Share to Facebook Share to Twitter
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newstrendph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Loading...
Babaeng Venezuelan Arestado Sa NAIA Dahil Sa Dalang Cocaine Babaeng Venezuelan Arestado Sa NAIA Dahil Sa Dalang Cocaine Reviewed by Breaking News on 7:38:00 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.