Kahera Na-RAPE Dahil Sa Kalasingan
Kaawa-awa ang sinapit ng isang dalagang kahera matapos na malasing ay ginahasa ng kanyang kainuman sa Malabon City kahapon ng madaling-araw nang hindi man lang nito nalaman sa sobrang kalasingan.
Sa ulat ng Malabon City Police-Women and Children Protection Desk (WCPD), ganap umanong alas-4:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa bahay ng itinago sa pangalang Len-Len na kaibigan ng biktimang itinago naman sa pangalang Kelly, 23.
Niyaya umano ni Len-Len ang biktima sa bahay na nila matulog dahil sa wala itong kasama at pumayag naman si Kelly. Pagkatapos ay nagkayayaan ang dalawang mag-inuman.
Niyaya umano ni Len-Len ang biktima sa bahay na nila matulog dahil sa wala itong kasama at pumayag naman si Kelly. Pagkatapos ay nagkayayaan ang dalawang mag-inuman.
Dumating naman ang kaibigan ni Len-Len na si Mark Joseph Reyes, 22 ng Judge Oreta Street, Brgy. Tonsuya ng nasabi pa ring lungsod at uminom din.
Nang magkalasingan na ay natulog na sina Len Len at Kelly sa magkaibang silid at iniwan si Reyes na nakatulog na rin sa sofa.
Nang magkalasingan na ay natulog na sina Len Len at Kelly sa magkaibang silid at iniwan si Reyes na nakatulog na rin sa sofa.
Nagising na lamang si Len-Len sa kaluskos galing sa silid ni Kelly at paglabas niya ay nakita nito si Reyes na nagsasara ng suot na short galing sa silid ng biktima.
Nang puntahan ang kaibigan ay nakita ni Len Len na tulog pa rin ito pero may mga bahid na ng dugo ang hinihigaan. Nakita rin niyang baliktad ang suot na panty at palda nito. Ginising nito ang biktima at palihim na isinama sa himpilan ng pulisya upang ireklamo ang suspek.
Mabilis namang pinuntahan ng mga awtoridad ang bahay ni Len-Len at naabutan pa roon ang suspek na ngayon ay nakakulong sa kasong paglabag sa RA 8353 o anti rape law of 1997.

Source: dyaryo
Share this story!
Visit and follow our website: Duterte News Global
© Duterte News Global
Loading...
Kahera Na-RAPE Dahil Sa Kalasingan
Reviewed by Breaking News
on
6:45:00 AM
Rating:
Reviewed by Breaking News
on
6:45:00 AM
Rating:

No comments: