Ronnie Dayan, Naandito Pa Sa Bansa Ayon Sa PNP
Kumbinsido ang Philippine National Police (PNP) Pangasinan na hindi pa nakakalabas ng bansa si Ronnie Dayan, ang dating driver ni Senador Leila de Lima na sinasabing kolektor niya ng drug money sa New Bilibid Prison (NBP).
Gayunman, naniniwala rin si Senior Superintendent Ronald Lee, Provincial Director ng PNP Pangasinan na wala na sa kanilang probinsya si Dayan.
Sa kabila nito, tiniyak ni Lee na hindi nila titigilan ang paghahanap kay Dayan lalo pa’t batay sa impormasyon ay nagtataglay ito ng limang mataas na klase ng baril.
Sa kabila nito, tiniyak ni Lee na hindi nila titigilan ang paghahanap kay Dayan lalo pa’t batay sa impormasyon ay nagtataglay ito ng limang mataas na klase ng baril.
Una rito, sinalakay at hinalughog ng PNP Pangasinan ang dalawang bahay ni Dayan sa Urbiztondo Pangasinan at apat na bahay ng mga kamag-anak nito, subalit hindi nila natagpuan ang mga baril at maging si Dayan.
Share this story!
Visit and follow our website: Duterte News Global
© Duterte News Global
Loading...
Ronnie Dayan, Naandito Pa Sa Bansa Ayon Sa PNP
Reviewed by Breaking News
on
8:24:00 PM
Rating:
No comments: