Wanted! Ronnie Dayan may P100K reward sa makakapagturo

Inirekomenda ni House Justice Committee chairman Reynaldo Umali sa liderato ng kamara na magbigay ng reward para sa mabilis na ikadarakip ni Ronnie Dayan, ang dating bodyguard at umano’y lover ni Senadora Leila de Lima.

ADVERTISEMENT





Sa isang press conference, sinabi ni Umali na magandang ideya ang paglalabas ng reward upang mabilis na mahuli si Dayan.

Gayunman, hindi pa masabi ni Umali kung magkano ang dapat nilang itakdang reward para maaresto na si Dayan.

Kakausapin din umano niya si Speaker Pantaleon Alvarez hinggil dito.
Ang Volunteers Against Crime and Corruption o VACC ay may P100,000 reward money na aniya para sa makakapagturo sa kinaroroonan ni Dayan.

Subalit ayon kay Umali, mabuting dagdagan ito ng mababang kapulungan.

Matatandaan na no-show si Dayan sa apat na imbestigasyon ng Justice Panel kaugnay sa malalang illegal drug trade sa Bilibid.

Sinubpoena ng lupon si Dayan pero hindi pa rin siya nagparamdam, hanggang sa nai-cite in contempt at naisyuhan ng warrant of arrest.

SPONSOR





Source: newsportal

Share this story!

Visit and follow our website: Duterte News Global

© Duterte News Global

Share to Facebook Share to Twitter
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newstrendph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Loading...
Wanted! Ronnie Dayan may P100K reward sa makakapagturo Wanted! Ronnie Dayan may P100K reward sa makakapagturo Reviewed by Breaking News on 8:14:00 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.