WATCH: Duterte, Nilinaw Na Hindi Intensyong Makipag-away Sa Mga Kaibigang Bansa
Nilinaw ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan na hindi niya intensyong makipag-away sa itinuturing na kaibigan at kapitbahay na bansa.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa harapan ng mga Japanese investors sa Philippine Business Forum sa Tokyo sa gitna na rin ng kanyang maaanghang na salita laban sa Estados Unidos at anunsyo nitong pakikipaghiwalay sa matagal nang kaalyadong bansa.

Sinabi ni Pangulong Duterte, hangad nitong kaibigan ang lahat pero panahon na umano para may pangulong magtatayo o titindig para sa dignidad ng Pilipinas.
Ayon sa Pangulong Duterte, nakapasok na nga ang narco-politics sa bansa pero nakakagalit umano ang reaksyon ng ilang kaibigang bansa sa kanyang idineklarang giyera laban sa iligal na droga.

Kaya nais daw nitong linawin sa forum bago pa man magkaroon ng hindi pagkakaunawaan, na hindi otorisado ng kanyang gobyerno ang mga patayang naganap sa labas ng lehitimong police operations.
Ang nangyayari raw kasi ay nagpapatayan na rin ang mga sangkot sa iligal na droga habang may kagagawan pa ang mga vigilante.

Iginiit ng Pangulo na hindi katanggap-tanggap ang agarang panghuhusga at pagbabanta pa sa kanya ng US imbes na alamin muna ang katotohanan.
Hindi raw kasi nauunawaan ng mga kritiko at mga human rights groups kung gaano na kalalim ang problema ng Pilipinas kaugnay sa iligal na droga.
Kung hindi raw siya gagawa ng marahas na hakbang, makokompromiso umano ang susunod na henerasyon ng mga Pilipino.

Share this story!
Visit and follow our website: Duterte News Global
© Duterte News Global
Loading...
WATCH: Duterte, Nilinaw Na Hindi Intensyong Makipag-away Sa Mga Kaibigang Bansa
Reviewed by Breaking News
on
8:41:00 PM
Rating:
No comments: