De Lima At Iba Pa, Nakatakdang I-Subpoena Ng DOJ



Nakatakda umanong i-subpoena ng Department of Justice sa susunod na linggo si Sen. Leila de Lima at pitong iba pa na sinampahan ng kaso hinggil sa umanoy drug trade sa loob ng New Bilibid Prison.

Ayon sa isang source mula sa DOJ, magsisimula lamang ang preliminary investigation na inihahanda ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II laban kina De Lima at umano'y mga kasabwat nito kapag sumagot na ang mga ito sa mga kasong isinampa ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at Atty. Ferdinand Topacio.



ADVERTISEMENT





Kabilang sa mga akusadong posibleng sampahan ng subpoena dahil sa paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ay sina dating Justice Undersecretary Fransisco Baraan III; dating Bureau of Corrections (BuCor) director Franklin Bucayu; dating security aides ni De Lima na sina Ronnie Dayan, Joenel Sanchez at Jose Adrian Dera alias Jad de Vera; staff ni Bucayu na si Col. Wilfredo Ely; at high-profiile inmate Jaybee Sebastian.

Naging batayan ng VACC sa kasong inihain nito ay ang naging testimonya ni dating BuCor officer in charge Rafael Ragos at inmate na si Herbert Colanggo.




Matatandaan na iginiit ni Colanggo sa pagdinig ng House Justice committee na si De Lima ay nag-appoint ng mga mahahalagang tao sa BuCor at NBP para protektahan daw ang mga drug lords na nagkasundo na magbibigay ng payola sa pondo ng dating Justice Sec. sa pagtakbo nito sa Senado.

Lahat ng ito ay pinabulaanan ni De Lima lahat ng mga ibinato laban sa kanya ng mga witnesses at sinabi na pinilit lamang daw ang mga ito ng DOJ upang tumestigo laban sa kanya.



SPONSOR





[SOURCE]

Share this story!

Visit and follow our website: Duterte News Global

© Duterte News Global

Share to Facebook Share to Twitter
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newstrendph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Loading...
De Lima At Iba Pa, Nakatakdang I-Subpoena Ng DOJ De Lima At Iba Pa, Nakatakdang I-Subpoena Ng DOJ Reviewed by Breaking News on 4:24:00 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.