Isyu na siya ay buntis, nakakatawa pero nakakainsulto rin ayon kay VP Robredo



Pinabulaanan ng Office of the Vice President ang kumakalat na balitang nagdadalang-tao si Vice President Leni Robredo.

Ayon sa kaniyang tagapagsalita na si Georgina Hernandez, nakarating na sa kanila ang tungkol sa mga “well-funded” at “well-orchestrated” na demolition campaign laban sa bise presidente.



ADVERTISEMENT





Ani Hernandez, naniniwala naman sila sa kakayahan ng mga Pilipino na matukoy kung ano ang katotohanan at kung ano ang pekeng balita lamang.

Mismong si Robredo naman ang nagsabi na ang kumakalat na isyung ito ay nakakatawa, pero nakakainsulto rin para sa mga kababaihan.

Nabanggit rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isyung ito sa kaniyang talumpati noon sa Tacloban City, at agad na umiling si Robredo nang tanungin ng pangulo kung ito ay totoo.




Biro pa ng pangulo, maaring may mapatay na kongresista sakaling totoo ang usap-usapang ito.

Sa palagay ni Robredo, maaring konektado ang tsismis na ito sa naunang kumalat na usap-usapang may relasyon siya sa isang kongresista sa Quezon City.



SPONSOR





[SOURCE]

Share this story!

Visit and follow our website: Duterte News Global

© Duterte News Global

Share to Facebook Share to Twitter
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newstrendph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Loading...
Isyu na siya ay buntis, nakakatawa pero nakakainsulto rin ayon kay VP Robredo Isyu na siya ay buntis, nakakatawa pero nakakainsulto rin ayon kay VP Robredo Reviewed by Breaking News on 10:14:00 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.