Archbishop Villegas, itinangging may kinalaman siya sa pagtitipon ng anti-Marcos group sa Huwebes



Itinanggi ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas na may kinalaman siya sa isasagawang misa at pagtitipon sa Huwebes ng mga grupong tutol sa Marcos burial sa Libingan ng mga Bayani.



ADVERTISEMENT







Sa mga kumalat kasing impormasyon sa Facebook, ginamit ang larawan ni Villegas sa pag-imbita para sa tinaguriang SAMBAYANAN o Simbang Gabi ng Siklab Bayan na isasagawa ng Coalition Against the Marcos Burial at the Libingan Ng Mga Bayani (CAMB-LNMB).






Nakasaad na ang SAMBAYANAN ay gaganapin sa Huwebes, December 15, 2016, alas 9:00 ng gabi sa Edsa People Power Monument. Hinihikayat din ng grupo ang mga dadalo sa misa na magsuot ng itim na damit at magdala ng kandila.Sa kaniyang Facebook post sinabi ni Villegas na wala siyang kinalaman sa nasabing pagtitipon at hindi siya nangbigay ng permiso kaninoman para gamitin ang kaniyang larawan.



SPONSOR







I do not know anything about this. There was no permission to use my photo. I am not at all connected to this event. Please correct the misinformation, ayon kay Villegas.Sa paanyaya ng nabanggit na koalisyon, isinabay umano ang ang pagtitipon sa tradisyunal na magsisimula ng Simbang Gabi. Ginamitan din imbitasyon para sa pagtitipon ng mga hashtag na #SAMBAyanan at #MarcosHindiBayani.

[SOURCE]



Share this story!

Visit and follow our website: Duterte News Global

© Duterte News Global



Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newstrendph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Loading...
Archbishop Villegas, itinangging may kinalaman siya sa pagtitipon ng anti-Marcos group sa Huwebes Archbishop Villegas, itinangging may kinalaman siya sa pagtitipon ng anti-Marcos group sa Huwebes Reviewed by Breaking News on 9:28:00 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.