CHR Magsasagawa Ng Imbestigasyon Hinggil Sa Marahas Na Dispersal Sa Mga Raliyista

Tiniyak ng Commission on Human Rights (CHR) na magiging "impartial at independent" ang isasagawang imbestigasyon hinggil sa nangyaring marahas na dispersal sa mga raliyista kahapon sa labas ng US embassy.

ADVERTISEMENT





Ito ang ipinangako ng tagapagsalita ng CHR na si Atty. Jackie de Guia sa nakatakdang pagsisiyasat sa naturang insidente.

Kanila raw aanyayahan sa magiging imbestigasyon ang mga pulis na kabilang sa bayolenteng dispersal, at maging sa mga miyembro din ng raliyista.

Sinabi ni De Guia na batay sa kanilang inisyal na pagtingin sa naganap na insidente, wala pa silang maituturong may sala, pero hindi naman daw maikakaila na gumamit ng pwersa ang mga pulis.
Kinondina ang naging aksyon ng mga pulis matapos na kumalat sa social media ang video ng pagsagasa ng isang police mobile sa grupo ng mga raliyista na umano'y pilit na binabaligtad ang sasakyan.

Nabatid na hindi lagpas sa 50 ang ang nagtamo ng sugat sa naging takbo ng dispersal, kung saan tatlo dito ang nagtamo ng malalang injury.

SPONSOR





Source: dyaryo

Share this story!

Visit and follow our website: Duterte News Global

© Duterte News Global

Share to Facebook Share to Twitter
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newstrendph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Loading...
CHR Magsasagawa Ng Imbestigasyon Hinggil Sa Marahas Na Dispersal Sa Mga Raliyista CHR Magsasagawa Ng Imbestigasyon Hinggil Sa Marahas Na Dispersal Sa Mga Raliyista Reviewed by Breaking News on 8:07:00 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.