Pinilit Ako Magbenta Ng Droga Para Sa Pondo Sa Kampanya Ni De Lima - Noel Martinez!
Sapilitan umano ang ginawang pagtulong ng convicted kidnapper na si Noel Martinez sa pagpondo sa kampanya ni Sen. Leila de Lima sa nakalipas na halalan.
Sa ikalawang araw ng pagdinig ng House committee on justice sa isyu ng drug trade sa National Bilibid Prisons (NBP), sinabi ni Martinez na pinuwersa siya ng isang nagngangalang Col. Elly na magbigay ng P500,000 kada linggo.

Si Martinez ay nagpakilala bilang isang "Bosyo" o kumander sa isa sa pinakamalaking pangkat sa Maximum Security Compound ng Bilibid na Genuine Ilocano Group o (GIG).
Ayon kay Martinez, sinabihan daw siya nitong si Col. Elly na gagamitin ang nasabing halaga para sa kandidatura ni De Lima para sa pagka-senador.
Pero ang utos daw na ito ni Col. Elly ay direktang nanggaling naman diumano kay Bureau of Corrections director Franklin Bucayo.

Giit pa ni Martinez, nang sinabi daw niya kay Col. Elly na wala siyang hawak na sapat na halaga sa hinihingi nito ay tinakot pa siya at sinabihan na walang kuwenta.
Pero bago ito, taong 2013 pa lang ay sinabihan na siya ng drug lord na si Jaybee Sebastian na kailangan niyang tumulong sa paglikom ng pondo para sa kampanya ni De Lima na sa panahon na iyon ay kalihim pa lamang ng Department of Justice.
Nagawa niya umanong tumalima dito dahil na rin sa utang na loob matapos siyang tulungan ni Sebastian sa pagkuha ng approval sa Office of the Superintendent sa pagtayo ng isang multi-purpose building sa loob ng Bilibid.

Dagdag pa ni Martinez, unang hiniling daw sa kanya ni Sebastian ay tumulong sa kalakaran ng iligal na droga.
Tinanggihan daw niya ito dahil hindi umano pinahihintulutan sa kanilang pangkat ang pagkakasangkot sa anumang transaksyon sa iligal na droga.
Kaya ang tanging naitulong lamang daw niya ay magbigay ng mga tauhan sa labas ng Bilibid na ginagamit ni Sebastian sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Ang mga ito na rin umano ang siyang nagre-remit ng pera kay Sebastian na tinitipon para sa pondo ni De Lima. Si Martinez ay isa lamang sa anim na saksi na isinalang sa pagdinig ngayong araw. (Bomboradyo).

Share this story!
Visit and follow our website: Duterte News Global
© Duterte News Global
Loading...
Pinilit Ako Magbenta Ng Droga Para Sa Pondo Sa Kampanya Ni De Lima - Noel Martinez!
Reviewed by Breaking News
on
9:31:00 AM
Rating:
No comments: