RIOT sa NBP plinano umano ng mga Dutertards ayon kay de Lima

Arestuhin mo na at ako at ipakulong kung iyan ang gusto mo!

Ito ang hamon ni Senator Leila De Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte sa aniya ay patuloy na panggigipit sa kaniya ng administrasyon.

Galit at umiiyak na humarap sa media si de Lima, na hindi napigilang sumigaw habang nanginginig ang boses sag alit.

Sinabi ni de Lima, maari nang gawin ni Duterte ang nais niya.

ADVERTISEMENT





“Arrest me now, jail me now if that’s what you want! I’m here, do what you want to me Mr. President. I’ll wait for you!,” galit na paghahamon ni De Lima.

Lalo pang ikinainis ni de Lima na tang itinuturo sya sa nangyaring riot na naganap sa Bilibid Wednesday na ikinasawi ni Tony Co.

Dagdag pa de Lima, hindi siya naniniwalang riot ang naganap sa Building 14 kung saan naroroon ang tinaguriang “Bilibid 19”.
Ayon sa kanya tino-torture umano ang mga inmates na ayaw tumestigo laban sa kanya.

Dagdag pa ng senadora, hindi imposible na ang sinasabing “riot” ay paraan ng administrasyon para parusahan ang mga preso na ayaw tumestigo laban kay De Lima.

SPONSOR





Ani de Lima, sina Tony Co na nasawi sa riot at si Peter Co at Jaybee Sebastian na kabilang sa mga nasugatan ay pawang nauna nang hinikayat na tumestigo laban sa kaniya.

Sinabi ni De Lima na sa kabila ng nararanasan niyang matinding panggigipit, hinding-hindi siya aalis ng bansa.

Bahala na aniya si Duterte kung ano pang nais nitong gawin sa kaniya.

Source: newsportal

Share this story!

Visit and follow our website: Duterte News Global

© Duterte News Global

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...
RIOT sa NBP plinano umano ng mga Dutertards ayon kay de Lima RIOT sa NBP plinano umano ng mga Dutertards ayon kay de Lima Reviewed by Breaking News on 2:12:00 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.