Abu Sayyaf Nakapasok Umano Sa Cebu, Buong Lalawigan Inalerto!



Inalerto ng Police Regional Office Central Visayas ang mga residente sa rehiyon matapos umanong makapasok sa kanilang lugar ang hindi bababa sa anim na miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group.



ADVERTISEMENT





Ayon kay Supt. Julian Entoma, hepe ng regional Intelligence Division ng PRO-7, pinamumunuan umano ang naturang grupo ng isang Commander Messiah.

Ang naturang grupo umano ay nagpa-planong maglunsad ng mga kidnapping activities sa lugar.




Inaalam na rin nila aniya kung bahagi ng plano ng bandidong grupo na maglunsad ng mga pambobomba sa Cebu.

Upang mapigilan aniya ang plano ng mga ito, pinakikilos na ng pulisya ang kanilang intelligence network upang matukoy ang kinaroroonan ng mga suspek.



SPONSOR





Hiningi na rin nila aniya ang tulong ng Muslim community sa Cebu at maging ang management ng mga malls at iba pang establisimiyento sa lalawigan upang matiyak na hindi sila malulusutan ng anumang terror o criminal attack.

[SOURCE]

Share this story!

Visit and follow our website: Duterte News Global

© Duterte News Global

Share to Facebook Share to Twitter
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newstrendph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Loading...
Abu Sayyaf Nakapasok Umano Sa Cebu, Buong Lalawigan Inalerto! Abu Sayyaf Nakapasok Umano Sa Cebu, Buong Lalawigan Inalerto! Reviewed by Breaking News on 8:19:00 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.