Grupo Ng Mga Eksperto Sa Beijing, ‘HERO’ Ang Tingin Kay Duterte



‘Hero’ umano ang tingin kay Pangulong Rodrigo Duterte ng grupo ng mga eksperto sa Beijing.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni National Security Expert, Prof. Rommel Banlaoi na bago pa man ang state visit ni Pangulong Duterte sa China, ay may mga nakausap na siyang eksperto sa Beijing.



ADVERTISEMENT





Kabilang sa mga nakausap ni Banlaoi ay mga eksperto mula sa military academy at foreign affairs.

Ani Banlaoi, hanga ang mga ito sa lakas ng loob ni Duterte na banggain ang Estados Unidos at baguhin ang foreign policy ng Pilipinas.




Bilib din umano ang grupo ng mga eksperto sa Beijing sa kampanya ni Duterte kontra ilegal na droga.

“Ang mga eksperto sa Beijing, ang tingin nila kay Duterte ay hero dahil sa lakas ng loob niya na banggain ang US at i-launch ang campaign vs drugs. Sumasaludo sila kay Duterte sa tapang na ipinakikita niya,” ani Banlaoi.



SPONSOR





Tiwala naman si Banlaoi na pakikinabangan ng sambayanan ang mga kasunduang nilagdaan sa pagitan ng dalawang bansa sa nakalipas na state visit.

Katunayan, ayon kay Banlaoi, bago pa ang state visit, tumulong na ang China sa Pilipinas, nang pondohan nito ang pagpapatayo ng rehabilitation center sa bansa.

[SOURCE]

Share this story!

Visit and follow our website: Duterte News Global

© Duterte News Global

Share to Facebook Share to Twitter
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newstrendph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Loading...
Grupo Ng Mga Eksperto Sa Beijing, ‘HERO’ Ang Tingin Kay Duterte Grupo Ng Mga Eksperto Sa Beijing, ‘HERO’ Ang Tingin Kay Duterte Reviewed by Breaking News on 8:08:00 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.