Agarang Pag-Apruba Sa Pagsasabalik Ng Death Penalty Bago Mag Pasko, Inihirit Ng VACC



Hiniling ng Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) ang liderato ng kamara na kaagad aprubahan ang panukala para sa muling pagbuhay ng parusang kamatayan.

Iginiit ni VACC president Dante Jimenez sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng Sub Committee on Justice na dapat maging determinado ang gobyerno sa pagbuhay ng death penalty kung talagang hangad nito ang pagbutihin ang sistema ng katarungan sa Pilipinas.



ADVERTISEMENT





Kapag maipatupad daw kasi muli ang naturang parusa ay maibabalik din ang tiwala ng taumbayan sa sistema ng hustisya sa bansa.

Dagdag pa ni Jimenez, maging ang mga kalapit bansa ng Pilipinas ay nagpapatupad na rin ng capital punishment kaya wala na raw iba pang argumento hinggil sa pagpapairal ng naturang parusa.




Hindi naman pinansin pa ni Jimenez ang iginigiit ng iba na hindi naman deterrent ang parusang kamatayan lalo pa at hindi naman umano ito nagtagumpay sa mga nagdaang administrasyon.

Ayon pa sa VACC president, dahil daw sa political will ni Pangulong Rodrigo Duterte, bagay lang na maipatupad na raw muli ang parusang kamatayan.



SPONSOR





[SOURCE]

Share this story!

Visit and follow our website: Duterte News Global

© Duterte News Global

Share to Facebook Share to Twitter
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newstrendph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Loading...
Agarang Pag-Apruba Sa Pagsasabalik Ng Death Penalty Bago Mag Pasko, Inihirit Ng VACC Agarang Pag-Apruba Sa Pagsasabalik Ng Death Penalty Bago Mag Pasko, Inihirit Ng VACC Reviewed by Breaking News on 9:50:00 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.