14-Anyos, Paulit-ulit Hinalay Ng Amain



Kasalukuyang tinutugis ang isang lalaki dahil sa panghahalay sa 14-anyos na babae na anak ng kanyang live-in partner sa Caloocan City, nitong Lunes ng hapon.

Dumiretso sa opisina ni Police Sr. Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan Police, si “Lolit” upang ipahuli ang kinakasama niyang si Rogelio Salonga, alyas “Bok”, 47, ng No. 32 Carolina Street, Barangay 105, 8th Avenue ng nasabing lungsod.



ADVERTISEMENT





Ayon kay Lolit, dakong 3:00 ng hapon nang maaktuhan niya ang pang-aabuso ni Salonga sa kanyang anak.

“Nanlamig po ang buong katawan ko sa nakita ko. Hindi ko inakala na gagawin niya (Salonga) ang ganoong kahalayan, kasi akala ko anak na rin ang turing n’ya sa mga anak ko,” ani Lolit.




Nalaman din ng ginang na hindi ito ang unang beses na inabuso ng suspek ang kanyang anak at hindi makapagsumbong ang biktima dahil pinagbantaan umano ito ng suspek.

“Malakas ang ebidensiya laban sa suspek kasi ‘yung nanay na ang complainant tapos miyembro pa siya ng Lupong Tagapamayapa ng barangay,” pahayag ni Almazan.

Kasong rape ang nakatakdang isampa laban kay Salonga.



SPONSOR





[SOURCE]

Share this story!

Visit and follow our website: Duterte News Global

© Duterte News Global

Share to Facebook Share to Twitter
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newstrendph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Loading...
14-Anyos, Paulit-ulit Hinalay Ng Amain 14-Anyos, Paulit-ulit Hinalay Ng Amain Reviewed by Breaking News on 9:43:00 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.