Dayan, aminadong nagdeliver ng pera mula kay Kerwin Espinosa kay De Lima



Inamin ni Ronnie Dayan na tumanggap siya ng pera mula sa Eastern Visayas drug lord na si Kerwin Espinosa.

Sa kanyang pagharap sa Kamara, sinabi ni Dayan na hindi siya kailanman kumubra ng drug money mula sa mga drug lord, na humarap sa imbestigasyon ng Justice Panel ukol sa NBP drug trade.



ADVERTISEMENT





Itinanggi naman ni Dayan na gumamit o nagbenta siya ng droga.

Pero napaamin si Dayan na kilala niya si Espinosa, at tumanggap ng pera rito dahil sa utos umano ni dating Justice Sec. at ngayo’y Sen. Leila de Lima.

Hindi naman binanggit ni Dayan kung magkano ang kanyang natanggap kay Espinosa, dahil hindi raw niya ito binibilang.




Subalit sa pagkakatanda niya, limang beses siyang nakatanggap ng salapi mula kay Espinosa, para sa kandidatura ni De Lima sa pagka-senador.

Sasagutin na lamang daw niya ang iba pang taong sa pagdinig ng Kamara sa November 24.

Sa huli nang matanong kung ano mensahe niya kay De Lima, sinabi ni Dayan na ‘Pakatatag ka.’



SPONSOR





[SOURCE]

Share this story!

Visit and follow our website: Duterte News Global

© Duterte News Global

Share to Facebook Share to Twitter
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newstrendph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Loading...
Dayan, aminadong nagdeliver ng pera mula kay Kerwin Espinosa kay De Lima Dayan, aminadong nagdeliver ng pera mula kay Kerwin Espinosa kay De Lima Reviewed by Breaking News on 11:11:00 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.