ROBREDO: “ANG MAHUSAY NA PINUNO AY BUKAS SA KONSTRUKTIBONG KRITISISMO”
Sa centennial celebration ng bayan ng Bustos, Bulacan nitong Lunes, nagsalita si Vice President Leni Robredo bilang panauhing pandangal tungkol sa kahalagahan ng demokrasya.
“Dala ang inspirasyon mula sa pagsasakripisyo ng ating mga bayani, magawa sana nating tugunan ang tawag at hamon ng kasalukuyang panahon.
Alin sa mga aral ng nakaraan ang ating paghuhugutan ng lakas? Anong mga ugali at pagpapahalaga ang ating ipamamana?” ani Robredo

Ayon sa ulat ng ABS CBN, sinabi ni Robredo na ang demokrasya ay isang pamana sa mga tao na maaari nilang maipasa sa susunod na henerasyon. Hinimok din nito na tiyaking may tamang gabay na ibinibigay sa mga kabataan.
“Lagi nating tatandaan: hindi nakasalalay sa kamay ng iilang opisina o ahensiya ang tunay na pagbabago. Dumadaloy ito sa bawat Pilipino na handang mag-ambag ng kanyang talino, oras, at kakayahan upang mapaginhawa ang buhay ng kapuwang nangangailangan. Ang pagbabago ay manggagaling sayo. Sa kanya, at sa kanya. Ang tunay na pagbabago ay manggagaling sa magandang pag-asa at saloobin ng bawat isa sa atin,” saad ni Robredo.

Samantala, walang pinatutungkulang tiyak na tao o grupo, binigyang-diin ni Robredo ang mga katangian ng mahusay na pinuno.
“Ang tunay na naghahangad ng mabuti sa bayan, ay bukas sa konstruktibong kritisismo at pakikipag-ugnayan. Sa halip na palalimin ang ating pagkakaiba-iba, magsilbi tayong tulay ng epektibong pakikipagtalastasan,” pagbibigay-diin niya hinggil sa pagmamahal sa bayan.

Matapos ang kaganapan, magalang na tumanggi si Robredo sa panayam ng media, at ayon sa kaniyang staff ay nagmamadali umano ito para sa susunod pang event.
Ang Bulacan ay nagdiriwang ng ‘Minasa Festival’ na ngayon ay nasa ika-7 taon na. Ito ay dinaluhan ng opisyal ng lokal na pamahalaan at government workers mula sa munisipalidad.

Share this story!
Visit and follow our website: Duterte News Global
© Duterte News Global
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newstrendph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.
Loading...
ROBREDO: “ANG MAHUSAY NA PINUNO AY BUKAS SA KONSTRUKTIBONG KRITISISMO”
Reviewed by Breaking News
on
2:43:00 PM
Rating:
No comments: